Ang DepEd-CLSU ay biniyayaan ng mga mahuhusay at mga talentadong mga mag-aaral at guro. Hindi ito maipagkakaila dahil sa mga parangal na patuloy na natatanggap ng paaralan sa ibat-ibang larangan- akademiko man, isports at iba pa. Sa kasalukuyan, ang paaralan ay binubuo ng labing-anim ( 16) na guro. Labing-tatlo (13) ang permanente, dalawang (2) Local School Board (LSB) at isang Contractual sa Kindergarten.
May kasabihan na walang permanente sa mundo kundi mga pagbabago. Dahil ang mundo ay bilog, maraming pagbabago ang nagaganap. Kabilang sa mga pagbabagong ito ay ang pagkakaroon ng mga bagong mukha o mga bagong guro sa paaralan. May mga umaalis man, may dumarating din.
Dalawang “retired teachers” ang unang napalitan sa paaralan- sina Gng. Remedios R. Dela Cruz at Gng. Lilia L. Fernando. Ang pumalit sa kanila ay sina Bb. Haidee L. Vergara at Bb. May L. Mauricio ngunit si Bb. Mauricio ay hindi rin nagtagal sa paaralan. Mga bagong guro rin sa DepEd-CLSU sina Gng. Joanna Marie D. Torda ( Grade V-B Teacher), Gng. Irene A. Caguing ( Contractual-Kindergarten Teacher), Bb. Aiza G. Dingle (LSB, Grade II-B Teacher) at ang pinakahuling dumating ay si Gng. Marissa P. Novicio (Grade IV-B Teacher).
Mga bagong mukha sa paaralan, mga bagong matutunan sa mga mag-aaral.