Ang buhay ng isang tao ay maikli lamang kaya bata pa lang ay dapat na natin itong pangalagaan at “ live it to the fullest” wika nga sa Ingles.
Ang buhay mamamahayag ng isang bata ay hindi biru-biro. Huwag ismolin at ipagwalang-bahala. Dumaranas din sila ng kapaguran, sakripisyo,pagpupunyagi, pangungutya minsan, at kung anu-ano pang negatibong puna.
Bilang guro, nasaksihan ko ang ganitong buhay ng mga batang mamamahayag. Ngunit sa kabila ng mga negatibong karanasan, masasabi kong napakasaya at “fullfiling” ito sa kanila. Makikita mo ito sa bakas ng kanilang mukha lalo na kapag sila ay may karangalan na maiuuwi. Walang materyal na bagay ang makapapalit ni makapapantay sa mga bagong karanasan na natututunan at mga bagong kaibigan na nakikilala.